0 of 66 Questions completed
Questions:
You have already completed the quiz before. Hence you can not start it again.
Quiz is loading…
You must sign in or sign up to start the quiz.
You must first complete the following:
0 of 66 Questions answered correctly
Your time:
Time has elapsed
You have reached 0 of 0 point(s), (0)
Earned Point(s): 0 of 0, (0)
0 Essay(s) Pending (Possible Point(s): 0)
Panuto: Piliin ang pinakaangkot na sagot upang punan ang mga patlang sa sumusunod na mga pangungusap.
Nahuli siya sa kanyang klase _____ tinanghali siya ng gising, _____ lumiban pala ang kanilang guro kaya gayon na lamang ang kanyang tuwa.
Bumili siya _____ tinapay sa kapait na tindahan, at kinain niya ito _____ mabilis.
_____ kinulang ang kanyang pera, umutang muna siya sa kanyang kapatid, _____ pinaunlakan namana siya nito.
Kasama ni Jose ____ Pedro at Maria nang mabalita ang malakas na pag-ulan, kaya sabay-sabay na _____ umuwi.
Maraming iniisip si Dennis habang tumatakbo kaya nadapa _____. Binalikan nia ang nakaharang na bata at _____ ay kanyang sinipa.
Ang Diyos ang lagi ____ tinatawagan
Gaganda ang iyong buhay ____ mag-aaral ka nang mabuti.
Tulad ni Donna, si Alfred ay mabait ___ .
Mayroon _______ kultura ang ating mga ninuno bago pa man dumating ang mga mananakop.
_______ mo ang katapatan ng iyong kaibigan.
_______ mo ang pawis sa ilong mo.
Panuto: Piliin ang letra ng salita o pariralang may mali.
Naglalaba ang Inay ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Walang mali.
Hindi din patatalo ang mga Kapampangan pagdating sa pagluluto ng masarap na ulam. Walang mali.
Iba’t-ibang parangal ang natanggap nina Renzes at Daffny noong sila ay nagtapos ng kolehiyo. Walang mali.
Ilang buwan matapos maipanganak si Abby, sinunod ng mag-asawang Noreen at Rene ang kanilang supling. Walang mali.
“Bitawan mo muna yang mga hawak mong cellphone at ituon mo ang iyong pansin sa pag-aaral. Walang mali.
Dumadalaw siya sa bahay ng kanyang lola kung araw ng Sabado. Walang mali.
Bukod kina Cory Aquino at Gloria Macapagal-Arroyo, lahat ng naging pangulo ng bansa ay lalaki. Walang mali.
Dahil sa galit sa kanyang asawa, galit na galit na nabasag ng lalaki ang mga pinggan. Walang mali
Si Pia Wurtzbach ang naging pangbato ng Pilipinas sa Universe noong 2015. Walang mali
Panuto: Piliin ang kahulugan ng mga salitang nasa malaking titik.
Upang hindi magulat ang kanyang mga magulang, MALAMYOS niyang sinabi ang kanyang desisyong lumipat na ng tirahan kasama ang kanyang kasintahan.
Ang pagkakasakit ng kanilang padre de pamilya ay nagsilbing isang malaking DAGOK sa kanilang mga buhay.
Kanyang PINAGTAGPI ang mga nangyari noong nakaraang linggo upang kanyang maintindihan ang totoong naganap sa kanyang pagdiriwang.
Lubusan ang kanyang kagalakan nang kanyang MAAPUHAP ang pitakang maylamang malaking pera.
Hindi niya MAWARI ang gustong ipahiwatig ng kanyang kasintahan noong silaay nagkaroon ng maliit na alitan.
Tuwang-tuwa ang mga bata ng tinuruan sila ng kanilang amang magpalipad ng GURYON.
MAIKSI ANG PISI ng mga rebeldeng sundalo.
Ang taong BALAT SIBUYAS ay mahirap pakisamahan
Ang sundalo ng gobyerno at rebelde ay LANGIS AT TUBIG.
Ang mag-asawang Mark at Nita ay PARANG ASO’T PUSA.
NAG-ALSA BALUTAN ang magkakapatid dahil sa kanilang mga magulang.
HINDI PINAGBUBUHATAN NG KAMAY ng mag-asawa ang kanilang anak.
Dahil sa nangyari, MAGBABAGONG-LOOB na raw si Nita pati na rin ang asawa niyang si Mark.
Dapat nating IGUHIT SA NOO na di dapat magtiwala kaagad.
MASAMANG DAMO lang ang nagtataksil sa bayan.
Panuto: Piliin ang wastong kaayusan ng mga pangungusap upang makabuo ng isang makabuluhang talata.
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na talata at sagutin ang mga tanong pagkatapos ng mga ito.
Umunlad ang industriya dahil sa pagkatuklas at pagpapaunlad ng agham at teknolohiya . Sa paggamit ng makabagong teknolohiya, gumaan ang mga Gawain at higit na dumami ang produkto. Dahil sa makaagham na pananaliksik ng mga Hapones, umunlad ang kanilang bansa. Itinuturing ang Hapon na higanteng industriyal sa Asya ngayon. Isa ang Hapon sa pinakamayamang bansa sa Asya at
maging sa buong daigdig.
Tumutulong ito sa buong mundo sa pananaliksik pang-agham. Nakikipagugnayan ito sa iba’t ibang institusyon ng pananaliksik sa ibang bansa. Dahil dito,nakapag-ambag ito sa ikauunlad ng agham at teknolohiya sa Asya.
Ang tagumpay sa ekonomiya ng Taiwan, Singapore, at Timog Korea (kilala rin bilang mga bagong industriyalisadong bansa) ay nagbigay-sigla sa iba pang bansang Asyano upang magsikap na matamo ang ganitong tagumpay sa harap ngpapalakas na paligsahan sa buong daigdig.
Hango sa: Panahon, Kasaysayan at Lipunan II Diwa Pub.
Anong uri ng teksto ang binasa?
Alin sa mga sumusunod na salita ang ginamit upang ilarawan ang teknolohiya na naging dahilan upang maging magaan ang gawain?
Ano ang katangian ng ginawang pananaliksik ng mga Hapon kaya umunlad ang kanilang bayan?
Saan inihambing ang tinatamasang kaunlaran ng Hapon ngayon?
Umulan ng Grasya
Kung ihahambing sa manok, tapos na ang paglulugon ni Pres. Gloria Macapagal Arroyo. Para sa kaalaman ng lahat , ang salitang lugon na ginagamit ng mga sanay mag-alaga ay tumutukoy sa manok o ibon na nalalagasan ng mga balahibo o pakpak. Kaya kung titingnan ngayon ang nangyayari sa Pangulo, parang unti-untinang tumutubo at nagbabalik ang kanyang mga balahibo at pakpak na magandang senyales. Dahil dito umuulan ng grasya kay Ate Glo habang ang ilan sa kanyang mga kalaban ay atat na atat upang siya ay mapatalsik ay minamalas na at tinatamaan na ng karma. Bukod sa nakikitang pagbabalik sigla sa mukha ng Pangulo, naging agresibopa siya ngayon at lalong tumapang. Kaya naman sinimulan na niya ang sariling “media offensive” upang tapatan ang sinasabing “trial by publicity” ng mga kalaban. Ngunit ang maganda at maipagmamalaking pangyayari ngayon kay Ate Glo ay ang pagkakapili sa kanya bilang No. 4 sa “World’s Most Powerful Women” ng isang magasin sa abroad. Ang No.1, ayon sa Forbes Magazine ng Amerika, ay si United States Secretary of State Condoleeza Rice, No.2 si Chinese Vice Premiere Wu Yi at No.3 naman si Ukranian Prime Minister Yudia Tymochenko. Mantakin n’yo na maging ang sikat na TV personality na si Oprah Winfreyay lumabas na pangsiyam lamang sa talaang ito. Ang pagkilalang ito na ibinigay ng sikat na Forbes Magazine kay Ate Glo ay nagpapatunay lang na nagsisimula na ang pagdating ng suwerte sa kanyang buhay, mga mare at pare ko. Palakpakan ang makapangyarihang si Ate Glo!
Paano nagaganap ang paglulugon sa manok at ibon? Ito ay _____________ng ibon at manok
Paano ipinakita ng pangulo ang pagbabalik ng kanyang sigla?
Batay sa teksto, paano sinisiraan ng oposisyon si PGMA?
Ayon pa rin sa teksto, paano raw “ tumatapang” si Ate Glo?
Taong 1988 nang iwan silang mag-ina ng kanyang asawa kaya’t napilitan siya ng magtrabaho bilang kargador ng gulay sa Balintawak, Cloverleaf Market. Siya ay si Carmelita Brigido. Kindergarten lamang noon ang panganay niya. Madaling arawang pasok niya sa trabaho. Kumikita siya ng P150 isang araw, subalit tama lamang itong panustos sa mga pangangailangan ngkanyang paslit.Naaalala pa ni Carmelita na matapos ang pagbubuhat, aabutan siya minsan ng mga biyahero ng kaunting gulay na siya naman niyang itinitinda malapit sa kanilang bahay sa Malabon pagsikat ng araw. Di nagtagal, nagtinda rin siya ng tsampurado parapang-almusal ng mga kapitbahay at ginatan naman tuwing hapon.Ani Carmelita, isang pastor ang nagturo sa kanyang gumawa ng homemade na suka at toyo na binebenta rin niya sa mga kapitbahay. “Araw-araw ay sapat lamang ang kita ko para sa amin ng mg anak ko. Nagtatabi lang ako nang kaunti, P20 hanggang P25 araw-araw, hanggang sa makaipon ako ng P300 noong 1990,” aniya.
Nagtungo sa Divisoria si Carmelita at namili siya ng spaghetti blouses na tigsasampung piso bawat isa. Ibenenta nang P35bawat isa. Ang kinita ay binili ng mga gamit sa katawan, hanggang sa lahat ng sulok ng Divisoria ay nalakbay niya sapaghahanap ng maibebenta sa puwesto. Maaga pa lamang ay nag-aayos nang paninda si Brigido sa dulo ng talipapa sa Damata, Letre Malabon. Kabilang sa mga tinda niya ngayon ay mga damit pambata, laruan, tsinelas, underwear at iba pa. “Dati, naiiyak ako sa hirap ng aming buhay pero natutuhan kong patawarin ang asawa ko, ang galit ko ay nawala, at natutuhan ko sa mga pangyayari sa buhay ko na dapat talagang matutong maghanapbuhay ang isang babae,” ani Brigido. “Noon, umaasa lang ako sa asawa ko, pero ngayon, natuto na akong humawak ng pera at alagaan ang pamilya ko.”
(Pinagkunan: Libre, PDI Publications, Enero 24, 2002)
Anong matinding dagok ng kapalaran ang dumating sa buhay ni Carmelita Brigido?
Anu-anong katangian ang taglay ni Carmelita upang maging huwaran sa bawat Pilipino?
Anu-ano ang kanyang ginawang paraan upang mapag-aral ang kanyang mga anak?
I. Nagtrabaho sa pastor bilang kasambahay.
II. Naglako ng gulay sa Malabon.
III. Nagkargador ng gulay sa Balintawak.
IV. Nagtinda ng mga damit at iba pang gamit sa kaniyang puwesto.
V. Gumawa ng suka at toyo at nagbenta sa mga kapitbahay.
“Nagtatabi lang ako nang kaunti, P20 hanggang P25 araw-araw, hanggang sa makaipon ako ng P300 noong 1990,”aniya. Anong pag-uugali ang ipinapakita ni Carmelita dito?
“Noon, umaasa lang ako sa asawa ko, pero ngayon, natuto na akong humawak ng pera at alagaan ang pamilya ko.” Anong mahalagang leksyon ang natutunan ni Carmelita na ipinapahiwatig sa saknong?
Mayroon nang paniniwala sa mga anting-anting bago pa man dumating ang mga kastila sa pilipinas. Sa pananaw ng mgakatutubong Pilipino, ang mundo ay punung-puno ng mga espiritu o anito, na nagtataglay ng galing at ibang bagay, naipinagkakaloob lamang sa mga piling tao.Gayundin, may kanya-kanyang potensiya di-umano ang mga bundok, kuweba, sapa, ilog, talon, halaman, hayop at pati na tao, ngunit ang potensiyang ito’y makakamit lamang ng isang taong malinis ang puso, budhi, at diwa, at sa masusing pagtupad ng ritwal, gaya ng taimtim na pagdarasal.
Pinagyaman at pinagyabong ang paniniwala sa anting-anting ng mga relihiyong Kristiyano. Bagaman itinuring na superstisyonng mga katoliko at ng Protestante and pananalig sa bisa o anting-anting, sa mga relihiyon na ring ito nakahanap ang mga katutubo ng samo’t-saring detalye ng istorya,dogmao ritwal, na nagpapatibay pang lalo sa kanyang “superstisyon”.
Sa katunayan, nagkaroon ng pagpapalitan ng impluwensiya sa pagitan ng Kristiyanismo at ng matatandang paniniwala. Halimbawa nito ang mga dasal: noon, Latin ang gamit ng mga pari. Di kalaunan, ginamit ito ng mga matanda bilang “orasyon”sa kanilang mga anting-anting, at mga inuusal sa mga oras ng kinakatwan ng mga anting-anting, ay ginamit ng Kristiyanismosa kanilang pagpapalaganap ng mga Krus, scapulet, at iba pang mga bagay na relihiyoso. Sa paglipas ng panahon, ang mgabagay na ito na ang pumalit sa mga makapangyarihang bato o talismang itinuring na anting-anting ng nakararami.
Halaw mula sa “Potensiya, Bisa at Anting-anting” ni Prospero Covar
Mula sa Kristiyanismo, anu-anong bagay ang itinuring ng mga mamamayang katumbas ng kanilang mgapaniniwalang pinaratangang “superstisyon” ng simbahan?
Kanino ipinagkakaloob ang mga anting-anting, batay sa mga paniniwala ng sinaunang Pilipino?
Batay sa sipi, sa paanong paraan mapag-iingatan ng isang tao ang taglay na anting-anting?
Ano ang pananaw ng mga katutubong Pilipino ukol sa mga espiritu o anito?
Ayon sa binasang sipi, aling grupo ang nagpayaman at nagpayabong sa paniniwala sa anting- anting?
“Isang Sonnet ng Love”
ni Anthony E. Casillan, Jr.
Weird talagang feeling nang ako’y ma-in love.
Every time I see her, ako’y nagbablush.
Lagi ang kanyang face sa hangi’y nagpa-flash.
I think she is starting to be a part of my life.
Hindi makatulog gabi-gabi,
Thinking of some tactics kung pa’anong atake.
Nilibre ko na s’yang snack at magsine,
Sa susunod kaya’y ano ang diskarte?
Several days later, minalas nang sobra.
Tuluyang lumaki, kulaba sa mata.
I failed in all my tests, simot itong pera.
At ang masaklap pa, ako’y binasted niya!
Ganyan ang game of love, pusta pati buhay,
Pag sin’werte, alright! Pag minalas, patay!
Alin sa mga sumusunod ang pakiramdam ng persona sa unang talata tungkol sa kanyang babaeng kanyang tinatangi?
Batay sa kanyang wika at idyoma, nasa ilang taon ang persona ng tula?
Ano ang posibleng dahilan bakit binagsak ng persona ang kanyang mga pagsusulit at tinubuan siya ng kulaba sa mata?
Ayon sa porma, kaninong makata humugot ng inspirasyon ang manunulat ng tulang nabanggit?